Barker sinuntok, nabagok, tigok

TIGOK ang isang barker nang mabagok ang ulo makaraan sutukin ng driver na makulit sa Malabon City, Miyerkules ng umaga, Hunyo 15.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) si Teofisto Manalastas, 39, barker, ng Abes Compound, Sangandaan, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Arnulfo Lepiten, Jr., 34, driver, ng Pacencia St., Tugatog, Malabon City.

Batay sa ulat, dakong 11:30 a.m. nagtatawag ng pasahero ang biktima sa M.H. Del Pilar, Tugatog, ng lungsod, nang lapitan at kulitin ng suspek.

Napikon ang biktima na naging dahilan upang magtalo hanggang sa suntukin ni Lepitin si Manalastas.

Bumagsak ang biktima at malakas na humampas ang ulo sa semento na naging dahilan upang mawalan ng malay.

Dinala ang biktima sa TMC habang tumakas naman ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply