Barkong pandigma ng US bibisita sa Pinas

BIBISITA sa bansa sa susunod na linggo ang isa pang barkong pandigma ng Estados Unidos para sa isinasagawang freedom of navigation operations.

Ang Guided Missile Destroyer na USS Chung Hoon ay maglalayag  sa Sulu Sea at West Philippine Sea na kinukunsidera ng Amerika na international waters at upang itaguyod ang right of free passage doon.

Ayon sa US embassy, imbitado rin ang USS Chung Hoon para makibahagi sa taunang Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) exercise.

Ang CARAT exercise ay bahagi ng mutual defense agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Isinagawa ng US ang deployment sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilinas at China tungkol sa Spratly Islands.

Una nang inihayag ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas na makakaasa ng suporta ang Pilipinas laban sa anumang external threat. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply