Bartolome itinaas bilang PNP deputy director general

TINIYAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Nicanor Bartolome na gagampanan niya ng maayos ang panibagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ng Philippine National Police (PNP), iniulat Lunes ng hapon.

Ginawa ni Bartolome ang pahayag nang i-promote siya bilang deputy director general ng PNP na katumbasng three-star general sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Bartolome, malawak ang kanyang responsibilidad at isang karangalan ang mabigyan siya ng mas mataas na posisyon sa hanay ng pulisya.

Nitong nakaraang buwan lamang ay itinalaga ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo, ang dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief bilang chief of directorial staff.

Ang bagong PNP deputy director general ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1980.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply