Bastos at tamad na pulis sa Taguig kakastiguhin

NARARAPAT na  kastiguhin ang mga tamad at bastos na pulis na hindi marunong gumalang sa mga mamamayang nangangailangan ng simpleng tulong lalo na sa mamamahayag na nangangalap ng impormasyon sa himpilan ng pulisya.

Dahil umani ng batikos sa sektor ng mamamahayag, mariing ipinangako ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Jose Arne Delos Santos sa opisyales at miyembro ng Progressive Tri-Media-Southern Metro (PTM-SM) na ipatatawag nito ang “bastos” na pulis sa Taguig City police station kaugnay sa naganap na pang-iinsulto at pambabastos sa isangbabaeng mamamahayag na humihingi ng tulong sa pagkalap ng impormasyon sa sinusulat na balita nitong nakaraang Martes, Hunyo 14.

Bunga ng pagkadismaya sa hindi magandang inasal, ipatatawag ni Delos Santos si Taguig City Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario upang kilalanin at kastiguhin ang pulis na nambastos umano kay Abante reporter Armida Rico makaraang pagsabihan ito ng maaanghang na salita at pagbagsakan ng telepono.

Sa pahayag ni Rico, direktor ng PTMSM, tumawag siya sa “investigation division” ng Taguig police upang hanapin ang hepe ng unit na si Chief Insp. Dineto Basilio para tanungin ng karagdagang impormasyon ukol sa kaso ng pagpaslang sa isang barangay kagawad sa lungsod.

Sa halip na tumugon ng maayos bilang isang “public servant”, magaspang na sinagot si Rico ng nakasagot na pulis sa telepono na magtungo na lamang sa istasyon ng pulisya upang makausap si Basilio.

Pinagsabihan pa nito ang mamamahayag na gumastos at maghirap naman para makakuha ng
impormasyson.  Binagsakan pa umano ng telepono ng naturang pulis si Rico nang tanungin nito ang kanyang pangalan.

Muling tumawag naman si Rico at isa pang pulis na nagpakilalang “Santiago” ang nakausap nito.  Sa ikatlong pagtawag, nakausap na ni Rico si Basilio na nagsabing wala siyang tauhan na “Santiago” ang
pangalan o apelyido ngunit humingi ng dispensa sa inasal ng kanyang tauhan na kanya umanong kakastiguhin din.

Ayon sa pamunuan ng PTMSM, kung ang isang mamamahayag ay nagawang bastusin at ayaw paglingkuran ng mga pulis ay posibleng mas matindi pa ang dinadanas ng mga ordinaryong publiko sa kagaspangan ng ugali ng mga ito at walang puwang para tangkilikin ang mga bastos na pulis sa hanay
ng Philippine National Police (PNP). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply