Bata patay sa ligaw na bala

ISANG bata ang namatay matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo habang natutulog katabi ng kanyangh ina sa loob ng kanilang bahay sa Navotas, Biyernes ng gabi, Hunyo 17.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang-taong gulang na si Justin Rain Capili ng Roldan st., Tangos sa nasabing lungsod.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Marissa, 34, dakong alas-11 ng gabi habang katabi niyang natutulog ang anak nang makarinig siya ng kalansing mula sa kanilang bubong.

Nang tignan ang bata ay laking gulat niya nang makitang dumudugo ang ulo nito na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino galing ang bala na pumatay sa bata. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply