Batang babae inutas ng kaklase dahil sa cellphone

NAGING mitsa ng buhay ng isang siyam na taong gulang na batang babae ang kanyang cellphone ng patayin ito ng kanyang 14-anyos kaklaseng lalaki sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa ulo ng biktima malapit  sa kanilang paaralan sa lalawigan ng Saranggani.

Base sa naantalang report na nakarating sa Camp Crame,  naganap ang krimen sa isang tagong lugar malapit sa kanilang paaralan sa may Sitio Malalag sa bayan ng Malungon.

Duguan at wala ng buhay ng matagpuan ang biktima na kinilalang si Christine Gambo na nakahandusay sa isang kanal.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng local DSWD batang suspek dahil sa pagiging menor de eedad nito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay sinasabing nakursunadahan ng batang suspek ang cellular phone ng kanyang classmate na si Gambo subalit tumanggi ang batang babae.

Hinihinalang posibleng nagalit o natakot ang batang suspek kaya pinaslang nito ang kanyang kaklase.

Nabatid na naka usap pa umano ng biktima ang kanyang inang si Maricris na nasa Davao bago ito paslangin at kinabahan siya ng marinig niyang may ibang tao sa kabilang linya.

Agad umanong tinawagan ni Maricris, ang kanyang asawang si Danilo upang sunduin ang kanilang anak subalit matapos pa ang apat na oras na paghahanap ay saka lamang nila nakita ang wala ng buhay na bata. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply