Batugang pahinante, tinodas ng driver

INARARO ng saksak ng kanyang dating driver ang isa umanong batugang pahinante nang magharap ang kanilang landas kagabi sa Navotas City.

Binawian ng buhay bago sumapit sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng saksak sa mukha, dibdib, kamay, at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Rizmer Nacar, 22, binata, ng 134 9th Ave., Grace Park, Caloocan City.

Ibinalibag naman sa selda ng Navotas police ang suspek na si Jose Lopio, Jr., 27, may-asawa, truck driver, ng 1296 Edsa, Balintawak, Apolonio Samson, Quezon City.

Naganap ang pananaksak sa paradahan ng mga truck, 7:30 p.m., sa panulukan ng M. Naval at Taganahan Sts., Barangay Bagumbayan South, Navotas City.

Ipaparada na ni Lopio ang minamanehong truck habang papasok na rin sa trabaho si Nacar nang magkita ang mga ito.

Umibis sa truck si Lopio, dinaluhong si Nacar at pinag-uundayan ng saksak.

Matapos masaksihang tatakas si Lopio ay dinakma naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

Agad namang dinala ng mga saksi sa insidente sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply