Bayan ang nanalo sa pagsipa kay Roxas sa Palasyo

ANG bayan at taumbayan ang nanalo sa pagkakatigok ni Mar Roxas bilang Presidential Chief of Staff

at paglalagay sa kanya bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications.

Mas pinaboran ni Pang. Noynoy Aquino ang grupo ng Samar na kinaaniban ni Executive Sec. Paquito

Ochoa.

Anti-climatic ang parang  nangyari sa mga mapanghangad ng kasamaan sa bansa at mamamayan. Hindi na kasi matutuloy ang tiyak na banggaang Roxas at  Ochoa kung sakaling gawing PCoS ni PNoy ang huli!

Batid naman natin na mababalam ang operasyon ng gobyerno pag nagpapataasan ng ihi ang sinomang mga “pader” ng Palasyo at tayong mga Filipino ang laging naiipit sa tuwing magpapataasan sila ng ihi.

Magaling at matalinong desisyon at para sa kagalingan ng sambayanan ang naging desisyon ni PNoy na hirangin na lamang niya si Roxas bilang kalihim ng DOTC. Tama lamang na tinanggap ni Roxas ang DOTC portfolio na inalok mismo sa kanya ni PNoy dahil maraming gusot (multi-bilyong piso) ang kailangan na isaayos niya.

Hindi ba siya  (Roxas) rin ang nagsabi noon na water boy lamang siya ng Pangulo at kanyang susundin ang anomang kahilingan nito? Sa totoo lang, walang choice si Roxas kundi tanggapin ang ibinigay sa kanya ng Pangulo lalo’t atat na atat na siyang makabalik sa posisyon. Ang bulung-bulungan, kaya raw sinipa sa Palasyo si Roxas nang sa gayon ay hindi malilitis si ex-PGMA sa mga kinasasangkutang
katiwalian nito at magiging maluwag sina P-Noy at Ochoa sa ex-President.

SI PD NGA BA ANG PROTECTOR NG VK?

Hindi pa rin tumitigil si Bert Bautista sa pagse-centralize nito sa operasyon ng mga videokarera sa buong Pampanga. Maging si PD Supt. Edgar Tinio ay patuloy rin ang pagpoproteksyon kay BB.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply