Bebot bugbog sarado sa kinakasama

HALOS manghiram ng mukha sa aso ang isang 21-anyos na babae, matapos gulpihin ng kinakasama dahil sa matinding selos sa Sta.Mesa,Manila.

Nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 16, pormal na sinampahan ng kasong Violation Against Women ang suspek na nakilalang si Gino Ray Clark, walang hanapbuhay ng 3020 3rd st.,  V. Mapa Sta.Mesa,Manila.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Insp. Anita Araulo, hepe ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit, dakong alas-3:00 ng madaling araw nitong noong Miyerkules, Hunyo 15, ng huling makatikim ng bugbog ang biktimang itinago sa pangalang “Amor” matapos umanong manggaling sa kapatid.

Napag-alaman sa salaysay ng biktima, galing umano siya sa kapatid at ng umuwi ng madaling araw ay nadatnan nitong galit na galit ang kanyang kinakasama.

Hindi pa umano siya gaanong nakakapasok sa bahay nang sabunutan, pagsisipain, suntukin at iuntog sa dingding ng kanilang bahay.

Nagawa lamang na matigil ang pambubogbog ng suspek nang magtatakbo ang biktima sa kanilang barangay hall sa Barangay 596 Zone 59.

Kinagabihan, habang sangkot sa ibang gulo si Clark at pinag-uusapan ito sa loob ng barangay hall sa pamumuno ni Chairman ZaldY Marquez ay hindi na pinauwi ang suspek dahil itinuloy na ng biktima ang reklamo rito kaya dinala ito sa tanggapan ng MPD.

Lumitaw pa sa ulat na malimit umanong nagseselos ang suspek sa trabaho ng biktima dahil dance instructor umano ito sa isang bar sa Makati City. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply