Bebot inambush sa QC, patay

PATAY ang isang babae makaraang ambusin ng mga kalalakihan na nakasuot ng itim na maskara at naka-jacket malapit sa isang mall sa Quezon City.

Kinilala naman ni Quezon City Police Station 5 head Superintendent Pedro Sanchez ang biktima na si Sheryl Sarmiento, 39, isang party planner, ng Fairview, Quezon City.

Ayon sa report ng dzBB, base sa pahayag ng isang witness, isang van umano ang humarang sa kotse ng isang 39-anyos na babae bandang 9:30 p.m.sa may kanto ng Regalado Street at Commonwealth Avenue.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng isang “high-powered” firearms.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon, hinarang ng van ang Toyota Altis (NIU-285) ni Sarmiento, kung saan bumaba ang apat na salarin, binuksan ang kotse at agad pinaputukan ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply