Bebot lumutang sa Manila Bay

ISANG hindi pa nakikilalang babae ang hinihinalang nalunod matapos matagpuang nakalutang sa Manila Bay breakwater malapit sa Manila Yacht Club sa Malate, Manila nitong umaga ng Sabado, Hunyo 25.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang biktima, naka suot ng kulay dilaw na round neck t-shirt na may marka sa unahan na “Dickies” at dark green na pedal short.

Batay sa ulat ni Det. Gerardo Rivera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ng isang Rosalio Romo na security guard ng Manila Yacht Club ang nakalutang na biktima.

Agad niya itong ipinaalam sa head security na si Jonard dela Cruz na siyang nag-report sa pulisya.

Hinala ng mga operatiba ng MPD na may dalawang araw nang babad sa tubig ang nasabing babae.

Wala naman umanong palatandaan na pinatay ang biktima kaya pinaniniwalaang nalunod lamang ito. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply