Bebot nagpakamatay dahil sa hirap ng buhay

NAGPATIWAKAL ang isang 37 anyos na babae dahil umano sa mga problemang pinagdaraanan nito sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang mga pinagdugtong na tela Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Anabelle Gutierrez y Petalver, ng 2443 Gapan St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa report ni SPO1 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-siyete ng gabi nang maganap ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa nasabing lugar.

Nabatid sa report ng pulisya na huling nakitang buhay ang dalaga dakong alas-diyes ng umaga nitong Linggo.

Napag-alaman sa ina at sa kapatid nito, maging sa kanyang kaibigan at ilang kapitbahay na mula ng araw na iyon ay parang tahimik at minsan ay balisa ang dalaga.

Gamit ni Gutierrez sa pagbigti ang tela na ipinulupot sa kanyang leeg saka itinali ang kabilang dulo nito sa isang pako sa itaas na bahagi ng pinto ng kanilang inuupahang bahay.

Nabatid na nadiskubre ni Aurora Petalver, ina ng biktima, ang insidente nang puntahan nito sa kuwarto ang anak dahil ilang oras na itong hindi lumalabas.

Pagbukas umano ng pintuan ay bumungad sa kanyang harapan ang nakalambiting katawan ng biktima kaya agad nilang ipinagbigay alam sa pulisya ang pangyayari.

Hindi naman sukat akalain ni Aurora na gagawin ito ng anak dahil wala naman umano silang alam na problema nito sa buhay.

Nakuha naman ang isang puting folder kung saan nakasulat ang suicide note ng biktima, “Michele, Mica, Atiza at MG, patawad kung sumuko na ako, pagod na ako, mahal na mahal ko kayo, lahat ng bilin ko ay sundin ninyo.”

Gayunman, isinailalim sa awtopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bikitima upang matiyak na walang foul play sa nasabing insidente.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung ano ang tunay na motibo ng ginawang pagpapakamatay ng biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply