Bebot pinagsasaksak ng nakaalitang misis

PATAY ang isang babae nang undayan ng saksak sa dibdib ng 29-anyos na misis sa Malate,  Maynila Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Raquel Dimaguit Ceda, ng Blk. 2 Purok 14 D.H. Tanyag St., Taguig. City, habang mabilis namang umiskiyerda ang suspek na si Julieta Figuera, 29, ng 1915 Ali 2 Maria Orosa St., Malate, Manila.

Sa ulat na isinumite kay Sr. Insp. Armando  Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:15 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng  Heva Money Changer shop sa 523 San Andres St., malapit sa panulukan ng Madre Ignacia St., sa Malate.

Nabatid sa report ng pulisya na dati nang may alitan ang dalawa kaya nang magkrus ang kanilang landas ay agad na bumunot ng patalim si Figuera saka inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply