Bebot problemado sa pamilya, nagbigti

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 19-anyos na dalaga matapos itong magbigti gamit ang nylon na sampayan Miyerkules ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Amand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Eugene “Rose” Lanante, nakatira sa ikatlong palapag ng residential building sa 921-B Delpan St.,Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Ramoncito Tolentino,  7:30 ng umaga ng madiskubreng patay ang biktima sa ikaapat na palapag ng nasabing gusali.

Nabatid naman kay Solidor, hinanap nito ang biktima upang utusang bumili ng pandesal.

Pinuntahan niya ang biktima sa silid nito ngunit wala ito. Nalibot na nila ang buong gusali at natuklasang nakalambitin ang biktima sa nasabing palapag.

Ayon pa kay lolo Solidor, nanghihiram umano ang biktima ng halagang P5,000 sa kanya upang maipadala nito sa kanyang magulang na umano’y pilit na nagpapauwi sa biktima sa Leyte ngunit P2,000 lamang ang kanilang naipahiram.

“Wala na akong ibang alam na problema niya, basta ang sabi niya pilit siyang pinapauwi sa probinsya ng mama niya pero ayaw niyang umuwi kaya nanghiram siya ng pera para ipadala niya,” sabi ni lolo Solidor.

Napag-alaman na ang biktima ay namamasukan sa kanyang lolo bilang empleyado kung saan nagdedeliver ito ng screen food cover.

Posibleng problemado ang biktima sa kanyang pamilya kaya nito nagawang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply