Bebot tinurbo sa reunion

HINDI maatim ng isang magandang dilag na mapipilas ang kanyang iniingatang puri sa kamay ng nakatatandang kapatid ng kanyang dating kaklase noong Linggo ng madaling araw, Hunyo 19, sa Mansanas Street Zone 1, Barangay North Signal Village, Taguig City.

Batay sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Rebecca, ganap na alas-7:00 ng gabi noong Linggo ng tunguhin niya ang inuupahang bahay ng kanyang dating kaklase na kinilala nito sa pangalang Jessica Esposo upang ipagdiwang sa nabanggit na lugar ang kanilang class reunion.

Sa nangyaring pagtitipon ng mga dating nakasama sa eskuwelahan at kaibigan, sinabi ng biktima na kabilang sa anim na naroroon ang nakatatandang kapatid ng kanyang kaklase na nakilala nito sa pangalang Danilo alyas Danny Esposo na tinatayang nasa 23 ang edad.

“Nag-inuman po kami hanggang sa abutin kami ng alas-dose ng madaling araw, nalasing ako at nagsuka. Nakiusap po ako kay Jessica na puntahan ‘yung pinsan ko para sunduin ako dahil hindi ko na kayang umuwi,” anang biktima.

Sinabi pa ng biktima na pagkaraang tumalima ni Jessica sa kanyang pakiusap doon umano sinamantala ng suspek na isakatuparan ang panghahalay.

“Dahil sa sobrang kalasingan wala akong nagawa ng talupan ako ni Danny at pagsamantalahan,” ani Rebecca.

Ayon sa medical findings ng Camp Crame, ang biktima ay positibong inabuso kaya agad na sinuyod ng mga elemento ng PCP4 ang mga lugar na posibleng pinagtaguan ng suspek.

Nakatakdang maghain ng kasong rape ang biktima laban sa salarin. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply