Bela Padilla palaban na!

KAHIT na kontrabida, very excited ang alaga ni Ms. Claire Dela Fuente na si Bela Padilla sa “Sisid” na kasalukuyang palabas na ngayon sa GMA 7.

Si Bela ang pumalit kay LJ something nang ilipat ang huli sa danceserye na “Jump.” Kung ano’ng rason, tanging sila lang ang nakaalam, but we surmise na nagkesyo-kesyo si LJ na di niya matanggap na kontrabida lang siya. Arte naman kasi talaga’ng LJ Reyes na ito. Kung hindi pa siya puro kamot ngayon dahil kapapapanganak lang niya a few months ago, baka mas maarte pa siya.

Pero bakit naman kaya nagkontrabida na naman si Bela gayung leading lady na siya ni Aljur Abrenica sa Machete?

“That’s just fine with me,” nakangiting sabi pa ni Bela na talaga namang tunay na artista at hindi nag-iinarte. Kahit nga naman kontrabida ang roles, ano ang masama, di ba naipakikita nga ang galing dahil acting piece naman talaga yung role ng isang kontrabida?

“Nag-kontravida rin naman ako noon as Yumi in “Endless Love” at maganda ang feedback so okay lang. I want to be known as someone who can do both lead and villain roles convincingly.”

Ngayon ay ka-join si Bela sa newcomers sa Yes Mag’s Next Big Thing list and is now one of the nominees in FHM’s 100 sexiest.

“Thank you very much, but these are just icings on the cake. I love my work so much and my goal is to be recognized as a competent and versatile actress. I want my acting to be appreciated not only here but also abroad so I’m praying I’d be given the chance to do indie films that will be shown in international film festivals.”

O hindi ba, may katuturan ang pangarap ng anak ni Ms. Claire?

Sa Sisid, aapihin ni Bela si Jackie Rice, pero di kaya bumaligtad na naman ang sitwasyon at sa halip siya ang maapi sa banding huli gaya ng ginawa sa kanya ni Marian noon? Bratinella rin si Jackie Rice na puwedeng banggain niya si Bela ‘pag na-insecure din ito sa kanya.

Pero siyempre, natuto na si Bela. Palaban na siya ngayon. Sila nga naman ang nagturo sa kanya to fight back.

Go on, Bela, at nasa likod mo lang ang maraming friends mo.

***

LABIS ang pagmamalaki ni Robin Padilla sa mga eksenang halikan nila ni Bea Alonzo sa kanilang astig na teleserye, ang “Guns And Roses.”

“Ako, hindi ako nailang, bakit naman ako magkaroon ng ganung feeling? Isang malaking karangalan ‘yung mahalikan ko siya. Di kinailangan yun, pinagpapasalamat ‘yun,” pagmamayabang pa ng bida sa serye na si Robin Padilla.

Bagamat inaamin  ni Bea Alonzo na okey din lang sa kanya yung mga kissing scenes nila ni Robin, still, may kaba factor daw siya kahit paano.

“Ako, talagang kinabahan,” sabi pa ng batang aktres. “Dumadagundong ang puso ko kaya naka-ilang takes kami.”

Ayon pa kay Robin, kinausap niya’ng direktor ng serye na si Trina Dayrit na ulit-ulitin ang mga eksenang halikan para raw maperpekto ang mga ito.

“Ako’ng nag-request ng retakes,”  saad pa ni Robin. “Iba-ibang anggulo. All in all, inabot ng 3 takes at 8 angles each bawat take,” pagsang-ayon naman ni DirekTrina Dayrit. “Ganun karami ang kissing scenes nila.”

May mga nagbibiro pa na siguro raw, abot-abot ang pagdaramadam ni Mariel Rodriguez nang makarating sa kanya na nasarapan ang dyowa niya sa mga kissing scenes kay Bea Alonzo.

More or less, ganun din daw siguro ang naramdaman ni Zanjo Marudo.

“Ba’t naman sila magseselos, mga artista rin sila, alam nila trabaho lang ito,” esplika pa ni Robin.

Panay naman ang puri ni Bea kay Robin na nagsalitang gaya ng mga past leading ladies ni Robin Padilla, sobrang gentleman nga raw ito.

“He’s a real gentleman, I can attest to that, marami kaming scenes, kinunan sa kalye, at hindi niya basta hahayaang nakatayo ka lang doon. Ihahanap ka niya ng upuan. Aalalayan ka niya, lalo na pag dumaraan kami sa mga lugar na maraming tao, he protects me.”

Kunsabagay hindi lang naman si Bea ang pumupuri sa kanyang leading man. Maging ang mga co-stars nila sa Guns And Roses ay wala ring patumangga kung magbigay ng papuri kay Robin.

“It’s an honor na makasama ko siya rito as he’s really my idol,” si Ejay Falcon ang nagsalita. “Lahat ng mga kasama kong aktor, siya ang idol.”

“I got starstruck when we first had a scene together,” sabi naman ni Empress Schuck.  “Muntik na akong di makaarte. Pero hahanga ka kasi hands on talaga siya sa mga eksenang ginagawa niya.

“Saludo ako kasi hindi siya mayabang,” ayon naman kay Ketchup Eusebio.  “Kahit sa fans na nagpapa-picture, pinapa-stop niya ang taping just to accommodate them.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply