Benguet planong isama sa expressway project

ISINUSULONG ni Baguio Rep. Bernardo Vergara na maisama sa exit ng Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway ang lalawigan ng Benguet patungo sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Vergara na nakikipag-ugnayan na siya sa lahat ng mga kongresista sa mga nabanggit na lalawigan at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maisama sa program of work ang naturang bagay.

Ayon kay Vergara ang pagkakaroon ng exit patungo sa lungsod ay magbibigay ng ibayong ginhawa sa mga turistang nagtutungo sa siyudad at sa mga iba pang pook pasyalan sa Cordillera.

Sinabi pa ni Bernardo na kung ipatutupad ito ay tiyak na lalo pang lalago ang industriya ng turismo ng siyudad dahil sa mas maayos at mas ligtas na paglalakbay ng mga turista. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply