Bentahan ng manok balik normal na

PINAWI na ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng publiko sa pagtaas ng presyo ng manok sa mga pamilihan nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala,  bumalik na sa normal ang bentahan ng manok at ang presyo nito na P115 hanggang P120 kada kilo batay sa monitoring ng mga tauhan ng ahensiya sa mga palengke  Miyerkules ng umaga.

Bunsod nito, wala umanong pangangailangan para magtakda ang gobyerno ng suggested retail price (SRP) sa manok.

Paliwanag pa ni Alcala na tumaas lamang ang demand ng manok dahil sa takot ng publiko na kumain ng isda dulot ng fishkill sa Taal Lake at Pangasinan.

Siniguro rin ni ALcala na may sapat na suplay ng manok sa bansa at kayang matugunan ang pangangailangan hanggang sa holiday season kaya hindi kailangan na ang dagdag na importasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply