Bernard Hopkins, 46, champion

SA gurang na 57 taon, papatak lang na santaon ang edad ng kalipunan ng replacement cell system sa buong katawan… kasi, baguntao ang buong katawan, every cell in the entire body has gone dead and was replaced by a new cell every seven years, that’s what biology tells me.

So I’m pushing two years old in the seventh episode of body renewal.

Si Bernard Hopkins na 29 pulgada ang sukat ng baywang, pumapatak sa edad niyang 46 na taon, nasa ika-anim na yugto ng palit-katawan—that ought to be a convenient term in Tagalog for cell replacement… na apat na taon lang ang edad ng buong katawan sa naturang ika-anim na yugto.

Apat na taon lang.

Para tayong ulupong, dahong-palay o sawa… naghuhunos ng body cells na tila kaliskis tuwing ikapitong taon…magpapalit ng bago upang muling isalang sa pamumuhay… at sa ikalawang yugto ng palit-katawan nga isinasalang ang bagong katawan sa unang baytang ng mababang paaralan… binabati namin ang mga musmos na susuong sa iba’t ibang aralin sa kanilang pagbabalik-paaralan.

Under laboratory conditions, the human cell can replace itself over and over—getting worn, torn but somehow reborn—for 120 years, ah, that’s the natural human lifespan.

Kaya tulad sa mga musmos na isinasalang sa mga aralin, dapat lang na isalang din ng mga tumatandang tulad ko ang katawan sa samut-saring aralin… kahit hindi na maging boxing champion tulad ni Bernard Hopkins, basta makasilat na lang ng Nobel Prize for Cliterature sa hinaharap, well, the clit’s right out in front, is it not?

May mga tumatandang paurong… tuloy-tuloy lang sa pagiging gunggong. These are the types of mange-stricken, flea-ridden dogs that can’t and won’t ever learn new tricks.

Mayroon din naman na kahit inot-hilahod sa gapang, tuloy naman sa pagsulong.

Isang taon ang edad sa kanyang ikapitong palit-katawan—71 taong gurang—si Li Ching-Yuen nang anyayahan siya ng isang heneral na lumahok sa sandatahang lakas ng China noong 1749 upang turuan niya ng martial arts ang mga kawal… astig kasi talaga sa qigong si Li… na isa sa mga hinahangaan ng inyong imbing lingkod.

Puwedeng gayahin ang mga inilahad na lihim ni Li sa kanyang pamumuhay—may mga ulat na naglalahad na sumakabilang buhay siya sa edad-256… nangunguna sa kanyang listahan, “payapang katawan-diwa (body-mind)” na tahasang pakay ng walang humpay na paghahasa sa sining ng paghinga o qigong…

Umupo na tila pagong. Lumakad na maliksi tulad ng kalapati. Humimlay na tila aso. ‘Yan lang ang diskarte ni Li sa pagkilos, sa galaw ng katawan.

Mahilig din nga pala siyang lumantak ng gulay.

Don’t ever tell me old age is just numbers… I still have this predilection for 38-24-36. That counts!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply