BFAR: Buhay na isda sa fishkill spot OK pang kainin

MAAARI pang kainin ang buhay na isda na mula sa fishkill area sa Batangas at Pangasinan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Asis Perez, national director ng BFAR, ligtas pa ring kainin ang mga buhay na bangus na naiahon mula sa fish cages.

Samantala, siniguro nito na mananagot ang sinumang responsable sa fishkill na kumitil sa tone-toneladang isda sa Batngas at Pangasinan.

Aniya, mag-iimbestiga sila at ikukonsidera din ang report na natanggap na umano’y may nagtapon ng dumi ng mga hayop sa Balete, Batangas na siyang pinag-ugatan ng fishkill incident doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply