BFAR nakatutok sa ilang bayan sa Taal Lake

PATULOY ang pagtutok at pag-iimbestiga ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at lokal na pamahalaan sa dalawang lakeshore municipalities sa lalawigan ng Batangas bunsod ng pagkakaroon ng mangilan-ngilang natagpuang patay at nakalutang na isda.

Sinabi ni Diosdado Macalintal, pinuno ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council (PDRRMC), ang ‘di magandang kalidad ng tubig sanhi ng pabago-bagong temperatura at pagkaiba ng kulay nito ang tinitingnang dahilan ng paglutang ng ilang mga isda.

Ngunit nilinaw ng nasabing opisyal na hindi ganoon karami ang mga pagkamatay ng mga isda kaya hindi ito maituturing na fish kill bagama’t ginagawan na ng paraan na mailipat ang ibang mga isda upang maisalba ito sa pagkamatay

Kaugnay nito inihahanda naman ng BFAR at lokal na pamahalaan ang mga oxygenerator upang mapigilan na madagdagan pa ang bilang ng mga isdang namatay sa nasabing lawa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply