Big number sa double header games

ANG PANGALAWANG road game ng PBA ay idaraos ngayong gabi sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.

Kasunod ito ng debut game sa pagitan ng Rain or Shine at B-Meg Derby Ace noong Hunyo 11 sa Tacloban Convention Center na pinagwagihan ng ElastoPainters sa iskor na 95-82.

Umulan ng malalaking puntos ang laro noong Biyernes ng gabi sa PBA Governor’s Cup sa Big Dome. Si top scorer Peter Jun Simon ay kumana ng 33 points sa panalo ng B-Meg Derby Ace Llamados kontra Powerade Tigers, 103-90, na nagpadausdos sa Tigers sa kanilang pangalawang talo.

Sa kasunod na laro, isang higanteng katulad na 33 points ang pinasabog ni Jeremy Wise na humalili kay Ricky Harris sa unang panalo ng Petron boosters, 115-106, laban sa Air21 Express na sumadsad sa ikalawang talo sa kabila ng 32 points ni Dondon Hontiveros, 24 ni Alpha Bangura at 17 ni Danny Seigle.

Magbabalik sa Big Dome ang laro bukas, Linggo, sa salpukan ng surpresang leader na Rain or Shine at ng paboritong Tropang Texters na susundan ng pagsubok ng Petron Blaze Boosters laban sa crowd-darlings na Barangay Ginebra, 6:30 p.m.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply