Big time rollback sa presyo ng petrolyo ipinatupad

MATAPOS ang pananalanta sa bansa ng bagyong ‘Falcon’, good news naman para sa mga motorista kasunod nang pagpatupad ng big-time rollback ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo Linggo ng madaling-araw, Linggo.

Partikular dito ang presyo ng diesel na nabawasan ng P1.75 kada litro simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, ayon kay Pilipinas Shell spokesman Bobby Kanapi. Samantala, 75 sentimos kada litro ang rollback sa presyo ng gasolina habang P2 naman sa kerosene.

Maging ang independent oil players na Flying V at Seaoil ay nagtapyas din ng presyo ng kanilang mga produkto.

Ang Flying V ay P1.50 kada litrong tapyas sa kanilang diesel habang 50 sentimos sa gasolina na magiging epektibo bukas ng umaga, gayundin ang Seaoil na magtatapyas din ng P1.75 kada litro sa kanilang diesel. Dulot pa rin umano ito ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply