Bigo ang Mahran ng Iran sa target na 3-peat

BINIGO ng Al-Riyadi ng Lebanon ang Mahran ng Iran na masungkit ang 3-peat na kampeonato ng 22nd FIBA-Asia Champinoship nang kabigin ang titulo sa iskor na 80-77 sa Philsport Arena sa Pasig City, Linggo ng gabi.

Tinanghal na bida si Fadi El-Khatid na nagtala ng 41 puntos, sa 40-minutong paglalaro na makailang beses na nagpalitan ng kalamangan na unti-unting nakahulagpos sa halos na walang sablay na free-throws ni El-Khatid habang ang import ng Iran na 7’2 Senigales na si Chiekh Samb ay nasa bangko dahil sa foul trouble.

Nalaglag naman sa ikaapat na pwesto ang Smart-Gilas Pilipinas sumusunod sa 3rd placer na Al-Rayyan ng Qatar na nagpahirap sa mga Pinoy dribblers sa iskor na 71-64.

Hindi kinakitaan ang tropa ni coach Rajko Toroman ng kanilang three-points shooting ability laban sa matatangkad na Qataris.

Nagtumpok ang import na sina Chauncey Leslie at African na si Targoy Ngombo at Yassen Musa ng pinagsamang 48 points. Samantalang ang Samrt-Gilas ay nakapagrehistro lang ng tatlo sa 24 sa shooting sa three-point area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply