Bigotilyo sa kapitolyo ng Sarangani, nagpaahit

DAHIL sa kontrobersiyang isyu sa pagkakasangkot ng isang department head sa inireklamong sexual harassment, maraming bigotilyo na ang nagpaahit ng bigote sa provincial capitol ng Sarangani Province.

Layon ng mga opisyal sa pagpapa-ahit ng bigote ay upang makaiwas na madamay sa kontrobersyal na department head na inireklamo na nang-abuso umano ng ilang mga babaeng empleyado ng kapitolyo.

Nabtid na karamihan sa lalaking department heads sa kapitolyo ay nagpa-ahit ng kanilang bigote hindi lamang para makaiwas sa kontroberisya kundi sa takot na mapagkamalan na siyang gumagawa ng sexual harassment sa ilang empleyado.

Nabatid na pinaimbestigahan na ni Sarangani Governor Migz Dominguez sa isang committee na binuo ng Human Resources Office ang usap-usapan matapos mayroong nagreklamo laban sa naturang department head.

Hinihintay na lang ngayon ni Dominguez ang magiging resulta ng imbestigasyon para maipaalam sa publiko ang totoong nasasangkot sa naturang isyu.

Nabatid na apat na babaeng empleyado ang umanoy nagreklamo ng sexual harassment laban sa department head na may bigote. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply