Biik na pito ang paa ipinanganak sa La Union

ISANG biik ang pinagkakaguluhan dahil sa taglay nitong pitong paa, magkadikit na dalawang katawan, may dalawang dila at iisang ulo sa Bauang, La Union.

Nabatid na pag-aari ang naturang biik ng isang nagngangalang Reymundo Galatia ng Barangay Dili sa nasabing bayan.

Ayon kay Galatia sa isang panayam sa radyo, laking gulat niya nang magsilang ang kanyang inahing baboy ng anim na biik at ang isa sa mga ito ay may kakaibang katangian sa lahat.

Ayon pa sa pahayag ni Galatia, maraming tao na ang nagpakuha ng mga larawan at videos sa kanyang alaga.

Ngunit ang nakakalungkot aniya, sapagkat pagkalipas ng 24-oras ay namatay din ang kanyang alaga. Noong Martes ng gabi ay inilibing na umano ng may-ari ang kanyang biik sa kanilang bakuran.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply