Biktima ng baha sa Davao bumalik na sa kanilang bahay

NAGBALIK na sa normal ang lungsod ng Davao matapos humupa ang baha na kumitil ng ilang buhay at nanira ng maraming ari-arian.

Ilang residente ang nagbalikan na sa kani-kanilang mga bahay.

Nilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na walang namaataang bagyo sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon dito, ang naranasang malakas na pag-ulan sa Davao City ay dulot lamang ng thunderstorm o pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Paliwanag pa ng mga ito, mayroong umiiral na intertropical convergence zone ( ITCZ) sa Mindanao.

Sa loob ng ITCZ na ito anila ay nakapaloob ang mga thunderstorm. Ito ang naging dahilan ng pag-ulan na siya namang nagdudulot ng pagbaha sa Davao City

Ayon kay Davao City Mayor Sarah Duterte, may ilan pang nasa evacuation center dahil totally washed-out ang kanilang mga bahay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply