Biktima ng carjacking itinapon sa Taguig

NAGTAGPUAN ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang babae na iniwanan ng mga armadong lalaki sa Taguig City makaraang nakawin ang sasakyan nito at ilang gamit at pera sa Barangay Concepcion, Marikina City.

Ayon sa pahayag ng bitikma na si Shilyn Rapisura, dakong 4:00 Miyerkules ng madaling araw nang iparada niya ang kanyang sasakyang Hyudai Tucson (NQU-971) sa tapat ng kanilang bahay

Hindi pa umano nagtatagal nang lapitan siya ng apat na lalaki na pawang armado ng baril. Tinutukan siya ng baril ng isa sa apat sa kanyang tagiliran at inutusan siya na mane-obrahin ang sasakyan.

Dumaan sila sa isang ATM at pina-withdraw ng mahigit P40,000. Pagkatapos nito ay kinuha ng mga suspek ang pera pati na ang kanyang cell phone at laptop. Hindi pa nasiyahan ang mga ito at iniwan pa ang biktima sa may bahagi ng C-5, Taguig at mabilis na tumakas ang mga ito dala ang kanyang sasakyan. Sa puntong ito, nakita naman ang biktima ng mga tauhan ng SPD.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pinagsanib na pwersa ng SPD at Marikina Police kaugnay ng naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply