Biktima ng masaker sa Cebu miyembro ng Kuratong Baleleng

INIUTOS ng Philippine National Police na higit pang laliman ang follow-up investigation sa naganap na Cebu Massacre na ikinamatay ng mag-live-in at kanilang 3-anyos na anak matapos lumabas na miyembro ng kilabot na Kuratong Baleleng Gang ang lalaking biktima.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame, lumalabas na dating miyembro ng kilabot na Kuratong Baleleng robbery-holdup group ang isa sa mga napatay sa massacre sa Sitio Judas Belt, Brgy. Babag II, Lapu-lapu City, Cebu.

Sinasabing positibong kinilala ang biktima na si Fernando Lariño, 58, ng ng Pampanga Police at sangkot raw sa pangho-holdap sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Ayon kay P/Sr. Supt. Anthony Obenza, City Director ng Lapu-lapu City Police Office, kumalabas na matagal nang hina-hunting ng kanyang dating kasamahan si alyas “Tambok” matapos tumiwalag sa kanilang grupo.

Hinihinalang tinangay ng biktima ang malaking halaga ng pera at alahas sa sindikato na galing sa kanilang mga operasyon dahilan upang tugisin siya ng kanyang dating kasamahan.

Nakita sa crime scene ang isang vault na walang laman na pinaniniwalaang pinagtaguan nito ng tinangay na pera.

Bumuo pa raw ito ng bagong sindikato na pangunahing sangkot sa M.Lhullier robbery, kung saan ay milyun-milyong halaga ng alahas ang kanilang natangay.

Ayon sa mga nakaligtas na anak ng biktima, ilang beses na umano silang palipat-lipat ng tahanan dahil hinahabol umano sila ni “uncle” at ng kasamahan nito.

Magugunitang sapilitang dinala sa isang bahay ang mga biktima na sina Lariño, live-in partner na si Emma, 3-anyos anak na si Fernando II at ang nag-aagaw buhay na si Ric-Ric at saka binaril.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply