Biktima ni ‘Egay’ pinaaayudahan ni PNoy sa DSWD, NDRRMC

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng mga residenteng hinambalos ng bagyong Egay.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ramon “Ricky” Carandang

“Yeah, there were instructions, of course, to take care of the needs of the people there. Meron nga akong ano doon, ito ‘yung memo galing sa DSWD as of 3 p.m. yesterday: ‘yung number of populations affected was 962,591. We have 40 evacuation centers with about 91,000 people there—people being served by the NDRRMC, DSWD—‘yung relief goods nandoon na… So everything that we usually do kapag may bagyo ay ginagawa natin ngayon,” anito.

Sa kabilang dako, limang evacuation centers naman ang isinara na dahil nagbalikan na sa kani-kanilang mga bahay ang mga pamilyang umokopa noon.

Samantala, personal na bibisitahin ni PNoy ang mga residenteng nabiktima ng bagyong Egay.

Ito’y matapos tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong si Egay, Lunes ng hapon.

Sa naging ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng nasabing sama ng panahon sa 250 kilometro hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan o 210 kilometro sa kanluran ng Basco, Batanes (coordinates:  20.1°N, 119.6°E).

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, habang umuusad naman sa bilis na 17 na kilometro bawat oras sa pangkalahatang direksyong pakanluran hilagang kanluran.

Nananatiling nakataas ang signal number 1 sa Calayan, Babuyan group of island, Batanes group of island at Ilocos Norte.

Mamayang gabi, ang sentro ng bagyo ay inaasahang nasa 400 kilometro sa hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan o 370 kilometro sa kanluran ng Basco Batanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply