Biktima sa Lapu-lapu massacre miyembro ng Kuratong Baleleng

KINUMPIRMA ng awtoridad na napatay sa nakaraang massacre ang isang dating miyembro umano ng Kuratong Baleleng robbery-holdup group sa Sitio Judas Belt, Brgy. Babag II, Lapu-lapu City, Cebu.

Nabatid na positibong kinilala ang biktima na si Fernando Lariño, 58, ng Pampanga Police at sangkot umano ito sa pangho-hold up sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Nabatid kay P/Sr. Supt. Anthony Obenza, City Director ng Lapu-lapu City Police Office, matagal ng pinaghahanap ng pulisya ang biktima na may alyas “Tambok” matapos itong tumiwalag sa kanilang grupo.

Hinala ng opisyal na posibleng tinangay ng biktima ang malaking halaga ng pera at alahas sa sindikato na galing sa kanilang mga operasyon dahilan upang tugisin ito ng kanyang dating kasamahan.

Nakorekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang vault na walang laman na pinaniniwalaang pinagtaguan nito ng tinangay na pera.

Nabatid pa na bumuo pa ng bagong grupo ang biktima na siyang pangunahing sangkot sa M.Lhullier robbery, kung saan ay milyun-milyong halaga ng alahas ang natangay.

Naiulat kamakailan na sapilitang dinala sa isang bahay ang mga biktima na sina Lariño, live-in partner na si Emma, 3-anyos na anak nito na si Fernando II at ang nag-aagaw buhay na si Ric-Ric at saka binaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply