Bilang ng patay sa E-coli bacteria umaakyat

Umakyat na sa 22 ang patay habang 200 ang infected sa E-coli bacteria na tumama sa limang estado ng Germany at iba pang bansa sa Europe at Amerika.

Kaugnay nito, malapit nang matukoy ng Germany kung saan nagmula ang panibagong strain ng E-coli bacteria kung saan itinuturong pinagmulan ay ang halaman.

Nabatid kay Lower Saxony Agriculture Minister Gert Lindemann, lumalabas na galing ito sa mga tubo ng halaman sa isang organic farm sa Uelzen area.

Napag-alamang pinapatubo ang mga binhi sa organic farm sa temperatura na 38 degrees Celsius na maganda aniya para mag-multiply ang bacteria.

Dahil dito, ipinasara na ang nasabing farm at ni-recall ang lahat ng produkto nito kung saan dalawa sa manggagawa ng farm ay infected din ng E-coli.

Hinimok naman ng Germany ang kanilang mamamayan na iwasan ang mga pagkaing vegetable sprouts tulad ng mung beans, broccoli, peas, chickpeas, garlic lentils at labanos na hinihinalang kontaminado ng nasabing bacteria.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply