Bilang ng walang trabaho sa bansa bumaba- NSO

BUMABA ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho sa bansa, pero pinangangambahang sisirit naman ang underemployment rate, ayon sa huling datos na inilabas ng National Statistics Office o NSO.

Base sa Abril 2011 Labor Force Survey ng ahensya, bumaba ng 0.8 porsyento ang bahagdan ng mga unemployed mula sa dating 92.8 porsyento noong 2010 sa pareho ring buwan.

“A total of 2.9 million persons were unemployed in April 2011, placing the unemployment rate at 7.2 percent, down from 8 percent recorded.., [in the same period last year],” saad ng NSO.

Batay sa estimated na 61.8 milyong Filipino na may edad 15 anyos pataas, tinatayang 39.7 milyon ay nasa labor force, kaya lomobo ng 64.2 porsyento ang labor force participation rate (LFPR).

Sa kabuuang porsyento na 92, pinakamarami ang walang trabaho sa National Capital Region habang pinakamataas naman ang employment rate sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa NSO, sa 2.9 milyong Pinoy na walang trabaho, 64 porsyento ay mga lalaki at 36 porsyento ang mga babae.

Kalahati ng mga unemployed ay nasa pagitan ng edad 15-24, samantalang ang ikatlong bahagi (one third) ay nasa mga edad 25-34.

Sa ulat ng ahensya, pinakamataas na porsyento na umaabot sa 32.6% ang high school graduates; ang college under graduates ay 23.1% at 20.4% naman ang college graduates.

Gayunpaman, bumagsak man ang unemployment rate, tumaas naman umano ang bilang ng underemployed na aabot sa 19.4 porsyento o 7.1 milyon, kumpara sa dating bilang na 17.8% noong 2010.

Kung susumahin, ang employment rate na lumalabas na 51.7% ay mula sa pribadong sektor, 33% sa sektor ng agrikultura at 15.3% sa industry sector.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply