Bilibid privatization pinalagan ng DoJ

PINALAGAN ng Department of Justice ang panukala na isapribado ang New Bilibid Prisons na ngayon ay nahaharap sa kontrobersya.

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III,  mas makabubuti para sa NBP ang pagbuo ng isang multi-agency technical working group para tugunan ang mga problema sa Bilibid tulad ng iminungkahi ni Justice Secretary  Leila de Lima.

Una nang ipinanukala ni Quezon Representative  Danilo Suarez na isapribado ang pambansang piitan kasunod nang pagkakabuking sa malayang paglabas at pagpasok sa bilangguan ni dating Batangas Governor Antonio Leviste.

Naniniwala si Baraan na hindi naman malulutas ng privatization ang problema sa NBP.

Ayon naman sa ilang non government organization at mga grupo ng mga biktima ng mga karumal-dumal na krimen, lalo lamang lalala ang mga anomalya sa bilibid kung magiging pribado.

Mas mahihirapan anila ang publiko na masubaybayan ang galaw ng mga opisyal at mga bilanggo dahil maaari nilang ilihim sa publiko ang kanilang mga transaksiyon.

Kabilang sa pinangangambahang maabuso ay ang matagal na anilang pagpapalabas ng preso upang gamitin sa krimen at matapos na isagawa ang kasalanan ay muling ibabalik sa selda.

Sa ngayon ayon kay Baraan ay pinag-aaralan na ng DOJ ang posibilidad na pagtatayo ng mga piitan sa mga rehiyon upang mapaluwag ang NBP.

Inaasahang sa susunod na linggo ay magpupulong ang technical working group kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang pag-aralan ang sitwasyon sa NBP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply