Presyo ng mga bilihin babalik sa normal – DTI

BAGAMA’T patuloy ang pananalanta ng sunud-sunod na mga bagyo ang bansa na nagreresulta ng pagkapinsala ng agrikultura, tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na babalik na sa normal ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga susunod na araw.

Hindi pa man natitiyak kung ilang porsiyento ng mga pananim ang winasak ng bagyong Falcon, tiniyak ni Trade Secretary Gregorio Domingo  na babalik na sa normal ang presyo ng prime commodities.

Ayon kay Domingo, gumagawa na  sila ng paraan para matulungan ang taumbayan, lalo pa ngayong hinahagupit ang bansa ng bagyong “Falcon.”

Kasabay nito ay hihigpitan na rin ng DTI ang implementasyon ng updated na suggested retail price sa mga palengke at supermarket para maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante, partikular ang overpricing. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply