Binata patay, kaibigan sugatan sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang isang binata, habang sugatan naman ang kanyang kaibigan matapos ratratin ng dalawang hindi nakilalang salarin habang nakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan si Richard Endoy, 26, ng Bansalangin St., Brgy. Payatas B, habang sugatan naman si Joel Torres, 25, scavenger ng Brgy. Nangka Marikina City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Sa ulat ni SPO2 Neil Garnace ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente malapit sa bahay ni Endoy ganap na alas 6:30 ng gabi.

Nakikipagkuwentuhan sina Endoy at Torres sa kaibigang sina Richard Camacho at Joemar Borja sa lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek at paulanan sila ng bala.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply