Binata patay sa ‘Bulabog Gang’

TODAS ang isang binata matapos itong barilin ng isang miyembro ng ‘Bulabog Gang’ habang ang una ay naghihintay sa umano’y runner ng marijuana nang madaanan ito ng huli kagabi sa Caloocan City .

Nasawi mismo sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Joey Soriano, 21, ng Phase 7-B, Package 1-B-2, Lot 37, Barangay Bagong Silang, ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan.

Isang follow-up operation ang isinasagawa ng Caloocan police para sa agarang ikadarakip ng suspek at tunay na pagkakakilanlan sa suspek na nakilala lamang sa alyas “Boyd,” nasa hustong gulang, ng Phase 7, Barangay Bagong Silang, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-siyete ng gabi nang maganap ang insidente sa Phase 2, Package 1, Barangay Bagong Silang habang ay una ay hinihintay sa isang alyas “Bunny” na isang kilalang marijuana runner sa naturang lugar.

Ayon sa pinsan ng biktima na si Dave Quilang, 18, nakatayo sila sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Nang bumagsak si Soriano ay agad tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply