Binata pinagbabaril habang natutulog

HINDI na nagising ang isang binata matapos pagbabarilin ng dalawang kaaway habang ang una ay natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 at sumpak sa katawan si Joselito Maliwat, 25, ng Sitio 6, Catmon, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Marco Amellana ng B. Espiritu St., Tinajeros at isang hindi pa nakikilala.

Sa ulat, dakong 7:15 ng gabi, natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang pasukin at pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang atraso ng biktima sa mga salarin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply