Binuntis na bebot tinakbuhan ni O’Neal

MAKARAANG mabunyag ang sex scandal sa iba’t ibang babae, nasangkot naman si Shaquille O’Neal sa iba pang kontrobersiya at iskandalo.

Inakusahan siya ni Vanessa Lopez ng abandonment matapos umano siyang iwan nang mabuntis at magkaanak.

Ayon kay Lopez, 14 taong gulang pa lamang siya nang magsimula ang relasyon nila ni O’Neal.

Ang Los Angeles center na si Shaq, ayon kay Lopez, ay kaagad siyang iniwan nang malaman na buntis siya.

Inamin naman ni Lopez na isa lamang siya sa tatlong kabit ni O’Neal maliban pa sa sex scandal sa marami pang mga babae.

Mismong ang abogado niyang si Attorney Gloria Allred ang nagsabi na malakas ang ebidensya niya sa Vanessa Lopez-Shaquille O’Neal affair.

Ayon sa abogado, ang layunin lamang nila sa paglutang ng babae ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak at makilala ang sariling ama.

Dinagdag pa nito na kahit minsan ay hindi nakarelasyon ng ibang lalake si Lopez kaya walang masisilip dito ang NBA star.

Matatandaan na nakahiwalay na ng 39-year-old na si Shaq ang kanyang misis na si Shaunie dahil sa multi-mistress sex scandal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply