Bitay dapat itapat sa krimen sa kababaihan

SUNOD-SUNOD ang pandarahas sa mga kababaihan mula sa mga paslit hanggang sa mga may edad.

Kabilang sa mga biktima ang natagpuang hubo’t hubad at nasiraan ng bait na kolehiyala sa Parañaque City.

Batay sa kanyang galit sa mga kalalakihan, malamang na ginang-rape ang biktima makaraang magkamali na makipag-eyeball sa kanyang ka-chat sa network na Tagged at mawala ng apat na araw.

oOo

Nauna rito, magkasunod na pinagpapatay sa pamamagitan ng baril at pananagasa ng sasakyan ang dalawang ginang sa Quezon City.

Bago naman ang pangyayaring ito, lumabas ang pag-amin ng hindi mabilang na dentista na sila’y pinagnakawan at ginahasa sa kanilang mga klinika.

Hindi naman kaila sa lahat ang pagtatapat ng ilang biktima ng international drug trafficker na sila’y ginagahasa bago sila pakawalan bilang drug couriers hanggang sa mahuli at mabitay sila sa ibang bansa.

Hindi naman mabilang ang mga paslit na pinapatay at itinatapon na lang kung saan-saan makaraan silang gahasain.

oOo

Ang sukdulang karahasan sa mga kababaihan ay dapat na tapatan ng katumbas na kaparusahan.
Maaaring ibalik ang bitay makaraang paraanin sa masusing pag-uusig ang mga salarin.

Sa oras na mapatunayang nagkasala ang mga ito nang walang pagdududa, dapat igawad kaagad ang  kaparusahan.

Walang lugar sa lipunan ang mga ganitong uri ng kriminal.

Subalit dapat isabay rito ang pag-aaral kung bakit dinadahas ang mga kababaihan.

Ugatin nang husto ang mga krimen, bigyan ng tamang tugon at kapag gumawa pa rin ang mga kriminal, ‘di dapat mag-aksaya ng panahon ang mga kinauukulan na igawad ang katarungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply