Biyahe ni PNoy, posible kayang may kubranza?

DAPAT lang na purihin si Pang. Noynoy Aquino sa matalinong paggugol nito sa pampublikong pondo sa lahat ng opisyal na biyahe nito lalo na sa Thailand kamakailan na gumugol lang sila ng P4.5 milyon  kasama na ang 52 delegasyon.

Ang P4.5 M ay  kabuuang gastos na lubhang napakaliit kung ikukumpara sa malaking pakinabang na nakuha at makukuha ng bansa. Para sa kaalaman ng lahat ay maliit na halaga lamang ito kung ikukumpara sa halagang ginastos sa pagbibiyahe ng nakaraang administrasyon na pati ang kanununuan ay kasama sa biyahe.

Patunay lang na seryoso si PNoy sa “matuwid na landas.” Naging mabunga ang biyahe ng Pangulo sa Bangkok.

Magkakaroon ng karagdagang pamumuhunan dito ang tatlong malaking grupo ng mga negosyante ng Thailand. Kabilang dito ang Charoen Pokphand na magpapalawak ng kanilang agri-business sa pagdagdag ng kapital sa hog-raising dahil sa kawalan ng Foot and Mouth Disease sa bansa. Ang Siam Cement Group naman na may-ari ng Mariwasa Tiles Company sa bansa ay magpapalaki ng kanilang operasyon pa.

Pati ang Petroleum Authority of Thailand ay magdaragdag ng puhunan sa bansa sa  paggawa ng LPG.
Malaking bagay rin ang partisipasyon ng mga kompanya ng Thailand sa imprastraktura sa bansa sa pamamagitan ng Public Private Partnership.

Malaki ang halaga ng kooperasyon ng ating bansa at ng Thailand sa pagsulong ng agrikultura, paglaban sa drug trafficking at mga paghahanda sa panahon ng kalamidad. Sa kabila ng masikip na schedule ni PNoy ay nakipagkita pa rin ito sa mahigit na 500 OFW roon upang ipahayag ang mga repormang itinataguyod ng kanyang administrasyon habang tiniyak din niya sa OFW’s na patuloy niyang ginagawa ang lahat ng paraan para makalikha ng mas marami pang oportunidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply