Utak sa black coral smuggling tumakas

NATUKLASAN sa pagdinig ng Senate committee on environment and natural resources na nakatakas na ang tinuturing na utak o “mastermind” sa pagpupuslit ng black coral at iba pang rare at endangered sea shells bago pa ihain ang warrant of arrest.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite sa malawakang puslitan ng black coral, sinabi ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat na nakaalis na ng bansa si Li Yu Ming, alyas “Joe Pring,” patungong Hong Kong sakay ng isang connecting flight sa Cebu mula sa naturang lungsod.

“Base po sa records na aming nakalap, nakaalis ng hapon ng Martes, Hunyo 7, si Joe Pring sakay ng Cebu Pacific flight patungong Cebu mula sa Zamboanga City, saka sumakay patungong China,” ayon kay Lobregat.

Iniimbestigahan ng komite, sa pamumuno ni Sen. Juan Miguel Zubiri, ang talamak na pagpupuslit ng black coral at iba pang endangered marine resources mula sa Moro Gulf at Sulu Sea na pinangungunahan ng Li Lim Corporation na nakabase sa Zamboanga City.

Pinatunayan naman ng Senate sergeant-at-arms na lumipad patungong Hong Kong si Joe Pring noong Hunyo 7 sakay ng Cebu Pacific at hindi naman matagpuan ang kinaroroonan ng asawa nitong si Olivia dahil naka-book ito sa eroplano noong pang Hunyo 5 ngunit walang departure date.

Dahil dito, inatasan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng extradition case laban kay Joe Pring upang paharapin sa kaso.

Sinabi pa ni Lobregat na kaya hindi nakasuhan si Li Yu Ming ay dahil ang pangalang “Joe Pring” ang nakalagay sa intelligence report na nakalap ng awtoridad na siyang ginamit sa paglusob sa bodegang ginagamit ng mag-asawang Li sa pag-iimbak ng black coral.

“Nakalagay sa search warrant ang pangalan ni Joe Pring bilang may-ari ng bodega, but Joe Pring is not the real owner of the warehouse but the Yu couple (Rosario at Benny),” ayon kay Lobregat.

“The warrant was approved against Joe Pring, not as Li Yu Ming. Joe Pring is just an alias,” dagdag ni Lobregat.

Naniniwala naman si Enrile na ginagamit ni Joe Pring ang kanyang asawang si Olivia Li, may-ari ng Li Lim Corporation na nakabase sa Zamboanga City, dahil maaaring magnegosyo ang naturang dayuhan sa industriya na may kinalaman sa likas na yaman tulad ng karagatan.

“He (Joe Pring) is using the wife as a dummy because he is an alien. He cannot engage in marine business under our Constitution,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na hindi dapat kinasuhan ang alyas na Joe Pring ni Li Yu Ming dahil talagang hindi matatagpuan ang ganitong pangalan (Joe Pring) dahil nakalagay sa kanyang Alien Certificate of Registration ang tunay na pangalan nito.

“The charges should be against the name he used when he entered in the country. He can also be sued using illegal aliases,” ayon kay Enrile.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply