Black Corals isasauli na ng Customs sa BFAR

ISASAULI na ng Bureau of Customs ang mga black coral na kanilang nasabat sa Cebu City kamakailan.

Nakatakdang ibalik ng BoC ang mga nasabing coral sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Mahigit 168 sakong black coral na nasa pier 7 ng Cebu ay nakatakdang ibalik ngayong araw.

Matatandaang ang mga black coral ay ilegal na kinukuha mula sa karagatan upang gawing alahas o fashion accessories. Ang pagkuha ng mga black corals ay mahigpit nang pinagbabawal sa dahilang unti-unti nang nauubos.

Sinabi naman ng isang opisyal ng BFAR na ipapamahagi nila ang ilan sa mga black coral sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad upang mapag-aralan.

Inaasahan na sa gagawing pag-aaral ng mga paaralan ay makakahanap pa ng paraan upang mapangalagaan at maparami ang sinasabing black corals.

Samantala, nais naman ng ilang mga mambabatas na tuluyang papanagutin ang mga tao sa likod ng ilegal na pangunguha ng black corals.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply