Blogger ni Jan Jan lumitaw sa QC court

SUMIPOT sa Quezon City court ang blogger ng batang si Jan Jan Suan na inireklamo ng libelo ng magulang ng bata kamakailan sa isinagawang pagdinig, Martes ng umaga.

Kasama nina Ma.Lourdes “Honey” Carandang, Ph. D, at Froilan Grate ang kani-kanilang taga-suporta na mula sa mga non-government organization (NGO) na kinabibilangan ng Center for Family Ministries (CEFAM); Inang Naulila sa Anak (INA) Foundation; Psychological Association of the Philippines (PAP); MLAC Institute for Children and Families; Women’s Crisis Center; at Church Café nang magtungo sa QC court.

Ang dalawang akusado ay nagtungo sa naturang korte para magsumite ng kanilang counter affidavit hinggil sa inihaing  libelo ng mga magulang ni Jan-Jan na sina Joe at Diana Suan kaugnay ng  pagkakalagay sa blogger ng pagbatikos ng mga ito sa pagpapasayaw ng macho dancing kay Jan Jan sa isang segment ng show ng “Willing Willie” sa TV 5 ni  Willie Revillame.

Kasabay nito, naghain naman ng  kasong perjury si Grate laban sa mga magulang ni Jan-Jan dahil nagsinungaling umano ang mga ito nang sabihin nilang ang blogger ang naunang nagpakalat sa Internet ng video ng pagsasayaw ni Jan-Jan.

“May pagsisinungaling silang ginawa sa piskalya kaya dapat lamang masampahan sila ng perjury,” ayon kay Atty Rommel Bagares, abogado ni Grate..

Aniya, mismong si Joe at ang kapatid nitong si Argie ang naunang naglabas sa Internet ng video ni Jan-Jan.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Carandang ang paratang na siya ang complainant sa kasong inihain sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Mismong si MTRCB Chairperson Grace Poe Llamanzares anya ang naglinaw na ang Hearing and Adjudication Committee ng MTRCB ang complainant sa kaso ng “Willing Willie” at kinuha lamang nila ang opinyon ni Carandang bilang clinical child psychologist at national social scientist kaya siya nagpadala ng liham sa naturang board.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply