Blue alert status sa bagyong Dodong

NAKATUTOK ang tanggapan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa pag-monitor ng sitwasyon sa mga inuulang lugar na isinailalim na sa signal No. 1 makaraang itaas ang blue alert status dahil sa bagyong Dodong.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, nasa anim na lalawigan sa Southern at Central Luzon kasama ang Metro Manila sa kanilang tinututukan habang anim naman sa lalawigan sa Mindanao na kinabibilangan ng Bukidnon, North Cotabato, Maguindanao, Davao del Sur, Compostela Valley at Sultan Kudarat dahil sa patuloy na pag-ulan.

Inihayag ni Ramos na umaabot na sa higit 90,000 pamilya ang inilikas mula sa kani-kanilang tahanan habang apat na ang naiulat na namatay sa Cotabato at lima ang nawawala sa Batangas.

Samantala, inatasan na rin ni Ramos ang lahat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at local government units na maging alerto at handa para sa emergency response na kakailanganin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply