Bochang bangus nasabat sa Balintawak Market

NASAMSAM ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mahigit sa 400 kilo ng bochang bangus sa paligid ng Balintawak Market sa Lungsod Quezon.

Pinangunahan ni Dr. Ana Maria Cabel ang raid sa mga hinihinalang mga bochang bangus.

Dakong alas-singko ng madaling araw ng sorpresang puntahan ng grupo ni Dr. Cabel ang lugar kung saan nakatambak ang mga double dead na bangus.

Nagtakbuhan ang mga nagtitinda nang makita ng mga ito ang paparating na raiding team.

“Nagtakbuhan ang mga tao dito kanina ng makita kami. Lubhang mapanganib ang mga isda dahil halos kulay putik na ang kulay ng mga hasang nito at malambot na masyado ang mga isda,” ayon kay Dra. Cabel.

Nakatakdang dalhin ang mga nakuha ng team sa Payatas dump site para ilibing ang mga ito.

Matatandaan kahapon ay may nakuha din ang NMIS na higit 300 kilong bochang isda sa naturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply