Bogus na private schools ibinabala ng DepEd

NAGLABAS ng babala ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang para magsagawa ng pagsusuri kaugnay sa mga naglipanang “bogus” o pekeng private school bago ipasok ang kanilang mga anak na estudyante.

Bilang paalala, inatasan ng DepEd ang lahat ng kanilang regional offices na magsumite ng mga pangalan at address ng mga pribadong paaralan na kinikilala o accredited at may permit to operate mula sa Office of Undersecretary of Regional Operations.

Ayon sa DepEd, ang mga listahan ng mga pribadong paaralan na may mga permit ay kanilang ipapaskil sa tanggapan ng DepEd offices, municipal hall at mga pampublikong lugar para magsilbing basehan o guide ng mga magulang.

Sa pagtataya ng DepEd, 75% lamang sa 9,995 na pribadong paaralan sa buong bansa ang kinikilala o accredited at may permiso para mag-operate.

Samantala, ipinaalala rin ng DepEd na ang kanilang ahensiya ang may buong kapangyarihan sa pagbibigay ng maayos at magandang edukasyon sa elementarya at secondary public schools, at sila rin ang may supervisory power sa private schools para matiyak na sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na panuntunan pamahalaan sa pagbibigay ng edukasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply