Bombay nilimas ng 2 holdaper

NAKULIMBAT ang pera’t motorsiklo ng isang negosyanteng Bombay makaraang holdapin ng dalawang armadong lalaki habang naniningil ng kanyang pautang na 5-6 sa Quezon City kahapon.

Nabatid na dumulog sa himpilan ng Police Station 5 ng QCPD si Gurvinder Singh, nasa hustong gulang at naninirahan sa Jordan Plane Subdivision, Novaliches sa lungsod, para magreklamo.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente sa may Labayani St., Brgy. North Fairview ganap na ala-1:30 ng hapon.

Sinasabing sakay ng kanyang Honda XRM (NI-2899) ang biktima habang naniningil ng pautang sa lugar nang harangin ng dalawang armadong kalalakihan.

Sapilitang kinuha ng mga suspek ang perang koleksyon ng biktima na P6,000, at hindi pa nasiyahan ay inagaw pa ng mga una ang motorsiklo nito na ginamit sa kanilang pagtakas patungong Commonwealth Avenue.

Bagama’t nakapagsumbong ang biktima sa himpilan ng barangay ay hindi na rin nagawang matukoy ang mga rumespondeng barangay tanod ang nasabing mga salarin.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply