Bong Revilla iniluklok na Sultan

BILANG pagkilala sa kanyang mga hakbang upang maiangat ang kalagayan ng mga Pilipinong Muslim at isulong ang kaunlaran ng Mindanao, ginawang adopted son ng Sultan Kudarat Province si Senador Bong Revilla at ginawaran ng titulo bilang Sultan.

Sa enthronement and conferment ceremony na isinagawa kahapon, Sabado, Hunyo 25 sa Sultan Kudarat Provincial Capitol, niluklok ang mambabatas bilang Sultan Aadil o Prince of Justice.  Ang paghirang sa kanya bilang Sultan ay kasabay ng pagluklok din sa 16 bilang Datus.

Sa kanyang acceptance speech, ipinangako ni Revilla na patuloy niyang itataguyod ang  higit pang kaunlaran sa Mindanao at pangangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito.

Partikular aniya  rito ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1990, ang kanyang inihaing panukalang-batas na magbabawal sa paggamit ng mga salitang “Muslim” at “Islamic”  sa lahat ng uri ng media, bilang pagtukoy sa sinumang pinaghihinalaan o nasistensiyahan na ng anumang krimen.

Pinunto niyang kapag naging batas ang kanyang panukala, maaaring magiging daan ito sa tama, patas at pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa bansa,

Ang pagluklok sa senador at sa isang Malaysian national ay isinagawa at sinertipikahan nina dating Congressman Sultan Pakung “Pax” Mangudadatu sa kapasidad niya bilang Rajah Buayan Sultanate IV sa Mindanao at Datu Dr. Haji Yassin Noor, honorary chairman ng Royal Mindanao-Malaysia Friendship Society.

Kabilang sa nga dumalo sa seremonya ay sina Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu at dating Tarlac Governor Margarita “Tingting” Cojuangco.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply