Bottled water, noodles, prutas at LPG isasailalim sa price control

APRUBADO na sa House committee on trade and industry ang panukalang pagsasailalim sa automatic price control ang bottled water, noodles, prutas, household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa panahon ng kakulangan ng suplay, kalamidad at mga kahalintulad nitong emergencies.

Ang House Bill 4801, pinalawak na bersyon ng orihinal na isinulong ni House Deputy Majority Leader at Pasig City Rep. Roman Romulo ay naglalayong gawing pangunahing pangangailangan ang  bottled drinking water upang hindi pagsamantalahan ang pagtataas ng presyo nito sa panahon ng kalamidad at pangangailangan.

Nakasaad sa Price Act, o Republic Act 7581, ang mga presyo ng “basic necessities” ay hindi agad na tataasan ang presyo sa sandaling ideklara ang state of calamity, emergency, martial law o state of rebellion ang anumang lugar sa bansa.

Hindi na lamang bottled drinking water ayon kay Romulo ang nasa listahan ng nasabing pangunahing pangangailangan matapos na idagdag ng mismong chairman ng committee na si Bataan Rep. Albert Raymond Garcia ang noodles, prutas, household LPG at kerosene sa basic necessities.

Sa kasalukuyang listhaan ng nasa ilalim ng Price Act ng mga basic necessities ay bigas; mais; root crops; tinapay; fresh, dried and canned fish; at iba pang marine products; fresh pork; beef and poultry meat; fresh eggs; fresh and processed milk; sariwang gulay; kape; asukal; mantika; asin; detergents; kahoy na panggatong; uling; kandila; at mga gamot na classified as essential ng Department of Health (DOH).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply